Thursday, September 18, 2008

BAND AID

Naalala ko noong mga bata pa kami, meron akong pinsan na laging nadadapa, dahil siguro matangkad sya, marami syang nasasaging mga bagay. Kapag naglalaro kami, tapos madadapa sya, iiyak sya ng malakas tapos hindi sya titigil hangga’t hindi nilalagyan ng Lolo ko ng band aid yung tuhod nya, kahit wala namang sugat o kahit kapirasong galos. Natatawa na nga lang kaming magpipinsan, kase kahit walang sugat, kahit may konting lamog lang sa pagkakadapa, pinalalagyan nya na agad ng band aid.

Ganun ang bata, may kanya kanyang paraan ng paggamot sa sarili, sa pinakamadaling pamamaraan na alam nila, sa pinakamababaw na dahilan. Yung konsepto ng band aid bilang pampatigil ng iyak ay isang paraan na rin ng pagdamay sa parte naman ng Lolo ko, basta tumahan lang si ate. At si ate naman, matapos malagyan ng band aid yung tuhod na walang sugat, makikipaglaro na uli sa amin, kahit medyo masakit pa yung tuhod dahil nalamog. Sa isip ng isang musmos, nagagamot nya ang kanyang sarili.

Kapag tumanda ka na, hindi na pwedeng ganun. Sana nga pwedeng ganun. Sana nga ganun lang kadali. Magkano lang naman ang band aid dito sa tindahan sa kapitbahay, kahit siguro punuin ko yung tuhod ko, pwede, kung ang kapalit nun ay mawawala din yung sakit at lamog. Sa konsepto ng isang hindi na musmos, pang telepantasya na lang yung ganun. Hindi syempre pwede yun sa reyalidad ng buhay. Kung pwede yun, ako na sana ang unang-unang gumaya kay ate, bibili ako ng 48 piraso ng band aid para ilagay sa katawan ko. Para maya-maya lang, pwede na uli akong sumabak sa agos ng buhay. Kahit gawin ko pang 50 piraso yung band aid.

Pag sobrang sakit yung nararamdaman mo, bukod pa sa sakit na mayroon ang pisikal na katawan, mas nakahihina at mas nakapipilay yung sakit sa kalooban. Minsan nagtititig ka na lang. Bago ko nga gawin ang artikulong ito, ilang beses kong iniisip kung anung paraan ba ang dapat kong gawin para hindi ko na mararamdaman yung sakit. Hindi pwedeng umiyak ng malakas kung literal, gaya ni ate nung bata pa kami. Pero kung naririnig mo yung nararamdaman ko, kanina pa ako nananaghoy. Walang magbibigay ng band aid. Hindi kaya ng powers ng band aid.

Saka ko naisip, masarap maging bata, napakasimple ng suliranin. Saka laging may nakaalalay sayo. Pero bata yun. Kahit ako ngayon, ayoko ng lumalapit sa iba para lang humingi ng band aid. Ayoko ng ganun ka-needy. Kase gusto kong ipakita sa lahat na malakas ako, na sa sarili kong desisyon, na sa sarili kong ‘self made band aid’, magagamot ko yung sugat. Gaya ni ate, kaya ko ulit lumaro at maging masaya.

****************************
Para sa isang taong pinag-ukulan ko ng panahon, oras, pagmamahal at atensyon, unti-unti kong kakayaning maghilom. Hinihintay ko ang araw na masasabi ko na hindi na ako nasasaktan ng paulit-ulit dahil sa laro ng buhay ko, hindi ka na parte nito.

Wednesday, September 3, 2008

Bob Ong, Mahusay

A book by Bob Ong was introduced to me by Mayor’s brother, Sir Raul, who was then a Private Secretary here in LGU Paete. Bob Ong’s name was already familiar, as my friends nagged me to read his works. I am a fan of Sheldon, and i am also amazed with Filipino authors who aren’t senseless. In a nutshell, Sir Raul handed a copy of Mr. Ong’s creation, the ABNKKBSNPla Ako. Right after a couple of lines, i was mesmerized.

Below are some of Bob Ong’s quotes from his books…

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

“Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?”
“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

” Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! “

” Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. “

” Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson? “

” Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao. “

” Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. “

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

Followers