Sabi ko kanina sa tatay ko habang kumakain kami ng tanghalian, akala ko mag-aasawa ako katulad ng edad nya nung mag asawa… 29. Si kapatid kase, katulad ng nanay ko ang edad nung mag-asawa sya… 23. Eh kahilahilamos ng muka ng walang tubig, 31 na ako nung July 20, i surpassed them all!!!!! sheet.
Aniwey, ok lang. Bka edad daw ni Nunu Jo ako mag-aasawa, 33. Pakunswelo.
Kakapitan ko na yung paniniwala, baka sakali eh. Kailangang punung-puno rin ng hope sometimes… dahil kung hindi, naknamputsa, 48hours na nmn akong mahuhumaling sa farm town. At magiging crush ko na yung unang lalakeng naka overalls na magha-hire sa akin mag harvest… or PLOW..
Minsan nga ang tingin ko na sa tatay ko, isa sa mga “klasmeyts” ko na mga naka overalls…
Kung pwede nga lang maging asawa ko nalang yung may pinakamagandang farm duon…
At least meron na kaming mansion, meron pang small farm town house, at lotsa lotsa animals, parang umuulan ng puno at higit sa lahat, milyon milyong coinsesesesesssss!!!
Kung pwede nga lang…
At least meron na akong gate na gawa sa bato, gawa sa halaman at gawa sa kahoy, meron pang bonggang bonggang barn, at mga dogs na bantay pero hindi mabantot…
Kung pwede nga lang…
At least, marami akong kamukha sa farm town market, yung tipong walang diskriminasyon, walang sisigaw ng hoy bawal ang mataba dito, at walang mangunguwestyon kung pantay o hindi ang eyeshadow ko hahahaha…
Kung pwede lang sana…
At least, kaya ko gumawa ng artificial falls, at artificial elevation, daig ko pa si edu, sa mga architectural churvah…
Kung pwede nga lang sana… na antukin na ako para hindi yung kung anik anik na mga ideas ang napipicture ko sa mind ko…
Kase madaling araw na… gogora pa sa bank bukas…
Magdedeposit ako ng napagbentahan ko ng ani. Charing.
Magkakandi-kandirit ako sa banko, at may aasikasuhin para sa pudra. Yun lang.
Good night…
Mapapanaginipan ko pa itong theme song ng farm town… :))